Google Search

Tuesday, October 30, 2007

PANATANG MAKABAYAN: Do You Know What You're Talking About?

Conscience Pricking Season

Panatang Makabayan:

Do You Know What You’re Talking About?

Iniibig ko ang Pilipinas…

Talaga? Naiintindihan mo ba ang sinasabi mo? Baka naman kasi memorized mo lang pero di mo feel.

Magagawa mo bang makipaglaban o mamatay na tulad ng mga sundalong Pilipino noong panahon ng gera dahil sa pag-ibig sa bayan? Napatunayan mo na ba yang pag-ibig mo sa bayan?

Sa mga simpleng bagay… nagbabayad ka ba ng tamang tax? Sumusunod ka ba sa mga batas? Batas Trapiko? Hindi mo ginagastos ang pera ng bayan para sa personal mong pangangailangan? Pork barrel, barangay fund?

Humihinto ka ba at tumatayo ng diretso twing may flag ceremony o istorbo lang? nagtatapon ka ba ng basura sa bawal na lugar. Naglalagay ka bas a pulis at iba pang government employees? Tumatanggap ka ba ng lagay para sa paglilingkod na dapat mo naman talagang ibigay?

Ito ang lupa na aking sinilangan…

Mabuti nga isinilang ka pa, yung iba ina-abort.

Sana naging American citizen na lang ako, ang sarap sana ng buhay. Itong pinagbubuntis ko, sa States ko ipanganganak para maging American citizen.

Nabuntis si babae, hbindi ipinakasal kay lalake kasi naka petition si babae para maging immigrant sa US.

Lupang kinakamkam, squatter demolition, saan kami titira. Sa hangin?

Oo! Sa hangin!

Ito ang tahanan ng aking lahi…

Tahanan ng aking lahi? Pugad ng corruption, di masugpong kidnapping; rape; drug addiction; protected illegal gambling; prostitution? Bakit panay ang pintas ng ibang Pilipino sa ating bayan?

Kaya nga ba ayoko nang bumalik dito sa Pilipinas

BAKIT?!

maalikabok, ang pangit ng airport, ang trafiic, ang init.

Eh, bakit ba hindi tayo maging kasing-ganda, kasing-ayos at kasing-yaman ng Singapore? Ano ba ang pinagkaiba ng Pilipino at Singaporean?

Kalbong Bundok, maruming ilog, nakalalasong hangin, mabahong basura, sino bang may kagagawan? Ang mga walang pakialam!

Ako, kasama ba ako dito?

Ako, kasama ba ako dito?

Tayo, kasama ba tayo dito?!

Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan…

Tinutulungan daw.

Teka, pera ko rin ang ninanakaw niyo. Tax na kinaltas niyo sa suweldo ko, Project na P100,000 nagiging p1 million.

Para naman daw sa kabutihan ng mamayan ang project.

Eh ang commission, para din bas a kabutihan ng mamamayan?

Gobyernong graft, namumunong corrupt, mamamayang naghihirap.

Sige, kupkupin natin ang mga buwaya, limatik, mapagsamantala sa gobyerno. Makiisa tayo sa kanila. Huwag natin silang isumbong.

Tama huwag natin silang isumbong.

Upang maging malakas, maligaya at kapaki-pakinabang…

Gusto niyo akong maging malakas, malusog, eh hindi nyo naman hinuhuli ang mga smoke belchers. Kung sabagay, malakas naman ako kay Gov. Malaki ang tulong sa akin ng jueteng. Buti na lang at hindi ni-raid.

mamamalimos na lang kami ng anak ko, mas madali pa ang tumihaya kaysa pumasok sa factory.

Yung maliliit na bata pinaghahanap-buhay na ng mga batugan magulang na nanggugulang.

Bilang ganti diringgin ko ang payo ng aking mga magulang…

Wisdom ng matatanda? Payo ni;a, hindi na applicable sa panahon ko – old fashioned, conservative. Hindi pwede ang live-in. eh gusto ko.

Tulad din natin ng mga gamu-gamong nasunog sa apoy ng gaera nung panahon panahon ni Jose Rizal . Hindi na tayo natuto. Gusto ppa talagang malaman ang tungkol sa buhay sa mahirap na paraan.

May sarili ng pamilya, inaasa pa rin sa magulang ang lahat. Anong tawag mo don? Natanong ka nab a ng ganito: Hindi ka ba tinuturuan ng magulang mo?

Nasaan ang tatay mo?

Nandon lasing. Talo na naman sa sugal. Mommy ko bising-bisi sa social work, kasama ang mga amiga niya. Eh, pa’no naman kaming magkakapatid? Buti pa ang ibang tao.

Mabuti pa sila.

Sususndin ko ang alituntunin ng aking paaralan…

Cutting classes? Ano yon? Bilyaran? Video games? Sine? Date? Exams minus review = kodigo o katabi ko naman si 1st honor.

Mag-enroll ka. Bayaran mo yung professor. Huwag mo nang pasukan, Pasado ka na. Bright Idea!

Pabili nga ng diploma, Pagawa nga ng transcript

Sa Recto?

Bagsak ako.

No Problem. Makikipagdate ka kay sir. Pasado ka na.

Gimmick tayo. Malaki ang kickback ko sa tuition fee. “Biyahe natin ng piso yang sobra mong bread. Tig piso tayo para Katorse.”

Hataw ang frat war kahapon. Brotherhood.

Rarampa ako para may pang-tuition Tinaas na namn ng mga madre ang tuition fee.

Ang tuition fee tumataas!.

Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas…

Ang layo naman ng tawiran. J-walking na lang. wala naming pulis.

Payo

Doktorin mo na lang ang Income tax Return mo para may refund.

Tulong.

Pasasalubong kita sa kilala kong taga customs para walang tax. Salamat sa Diyos, nakalusot ang mga baril ko

Idinamay mo pa ang Diyos. Di ka na nahiya!

Yellow traffic light means “slow down to full stop”

Wrong!

Go faster and beat the red light.

Right! (pause) Flying voter, illegal logger, nagka-cutting trip; illegal recruiter; nagtitindang nandadaya sa timbang at sukli.

Paglilingkuran ko ang aking bayan ng walang pag-iimbot at buogn katapatan:

Buong katapatan sa akign sariling bulsa

Kamag-anak incorporated, negosyo, at iba pa.

Sa pagpili ng iboboto hanapin mo yung nagsasabing

Kaya ako kumakandidato ay dahil gusto kong makapaglingkod sa bayan

Sana nga.

Kailangan mabawi ko ang ginastos ko noong kampanya..

eh, negosyo pala.

Tapat na kandidato. Bakit may dagdag bawas? Goons? Guns? Gold? Siraan? Batuhan ng putik? Ah, dahil nga pala gustong makapaglingkod sa bayan.

Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa wika at sa gawa sa tulong, awa at gabay ng Diyos…

Ang pagmamahal ng Diyos ay hiwalay sa pagmamahal sa bayan? Pwede bang maging pagmamahal sa Diyos ang pagmamahal sa bayan? Anong magagawa mo upang mapatunayan mo kahit man lang sa sarili mo na mahal mo nga ang Pilipinas?

Pwede ka bang maging example ng isang Pilipinong nagmamahal sa bayan- sumusunod sa batas hindi nagsasamantala, nagbabayad ng tamang tax, magtatanggol sa karapatan ng mahihina.

Pwede ka bang maging Pilipinong hindi puro daldal, puro batas, puro puna pero wala namang itinutulong o positibong ginagawa para mapabuti ang kalagayan ng bansa?

Kung hindi ikaw ang magmamahal sa bayan mo, sino pa?

Panginoong Jesus, Ikaw ang hari, ng bansang Pilipinas; Ikaw ang hari ng bawat isa sa amin. Kailangan lng naming magtiwala sa Iyo ng buong-buo; ialay ang lahat-lahat sa Iyo. Maraming bumubulong, nanunukso para kami maging makasarili. Tulungan Mo kaming talikuran ang mga ito. Huwag Mo kaming pababayaang lamunin ng masamang sistema. Ang aming pananampalataya sa Iyo. Ikaw an gaming magiging panangga. Palakasin Mo kami sa aming pagbabago. Panginoon naming mahal, pakinggan, kaawaan at gabayan Mo kami. Amen.

No comments:

Popular Posts